Posts

Sanaysay tungkol sa pagbabago ng wikang Pilipino.

Image
         Ang wikang Filipino ay isa sa mga kayamanang minana natin sa ating mga ninuno. Ito ay nagsisilbing kasangkapan para sa pambansang pagkakaunawaan at tulay sa mabuting relasyon. Bilang isang mamamayang Pilipino, naniniwala ako na ang ating wika ay isang kaloob na dapat ipamana sa mga susunod na henerasyon. Hindi natin mapipigilan ang pagbabago, ngunit kung gagamitin natin ito nang matino, ito ay magbibigay ng kapaki-pakinabang na mga kahihinatnan. Araw-araw, mapapansin natin na napakaraming pagbabago ang nagaganap sa ating kapaligiran, gayundin sa ating sarili.  Ang pagbabago ng wika ay nagbibigay ng iba't ibang benepisyo sa bawat isa sa atin, tulad ng higit na pag-unawa sa ating mga kasamahan at kakayahang ipaliwanag ang ating mga damdamin at kagustuhan sa ating kapaligiran.  Maraming pagbabago ang naganap sa wikang Filipino bunga ng mabilis na paglipas ng panahon, tulad ng pagdaragdag ng mga bagong salita at terminong hiram sa wikang Ingles. A...